Alam mo ba ang larong lolit? Mega-Pusoy? Sariwain ang panahong nagdaan. Ito ang mga natatanging kuwento ukol sa mga brods at mga kaganapan sa tambayan.
Noong kalagitnaan ng dekada 90, ang laging pampalipas oras ng mga brods sa tambayan ay ang baraha. Iba't-ibang klaseng laro ang nauso - pusoy dos, tong-its, hearts, etc. Maging ang pekwa ay hindi pinalampas ng mga brods. Nuong panahon ng Manila Film Fest Scam ang nilalaro lagi sa tambayan ay suicide. Nang napabalitang nagtangkang magpakamatay si Lolit Solis nuon, pinangalanan ng mga brods na lolit ang larong suicide.
Nang mga panahon din iyon, madaming brods ang madalas tumambay. Kaya minsan kapag naglalaro ng cards, kulang ang isang deck ng baraha dahil lahat ay gustong sumali. Ang ginawa ng mga brods ay nag-innovate. Pinagsama ang dalawang deck at tinawag itong Mega-Pusoy. Bakit Mega? Ewan. Basta ang natatandaan ko halos lahat ay tinatawag na Mega nuon. Anong batch nga ba ang tinawag na Mega-Batch?
Bawat isa sa atin ay may mga natatanging kuwento tungkol sa buhay sa frat. Hinihikayat ang lahat na sumulat at i-share ang kanilang natatanging experience.
