|
Do you remember any news or significant event that you had participated during your stay in UP?
Send us your story.
Matapos ang ilang araw na kilos-protesta, nagtungo ang
iba't-ibang sektor ng lipunan sa Mendiola upang ilahad
ang patutol sa Oil Price Hike nuong 1994, bago pa maipatupad ang deregulasyon sa industriya ng langis.
Nakisama ang kapatiran sa pagkilos na ito.
Tandang-tanda ko pa ng mga araw na iyon.
Iyon ang kauna-unahang malawakang rally na nasaksihan ko sa unibersidad.
May ilang araw ding nag-ingay at nag-martsa ang mga aktibista at ilang organisasyon sa buong Diliman.
Nagkaroon ng mga pagtitipon at talakayan tungkol sa isyu.
Bilang kinatawan ng USC, si brod JP Baritugo ang nanguna sa kapatiran at pati na rin sa kolehiyo sa pag-oorganisa.
Tanghali ng huwebes, sinimulang gawin ang mga brods ng mga streamer at banner na gagamitin sa kilos-protesta.
Kinabukasan, bago mag-tanghali, umikot ang balitang idineklara ng Admin na wala ng pasok sa hapon.
Siempre, masaya ang lahat. Tanging ang Math Department lamang ang hindi nag-kansela ng klase.
Nag-martsa pa-ikot sa Acad Oval ang mga estudyante upang hikayatin ang iba pang kolehiyo na makisali sa gaganaping rally.
Pagdating ng hapon, nagtungo ang mga estudyante sa Mendiola.
Lulan ng isang pampasaherong dyip, sama-samang pumunta ang mga brods sa rally.
Pumwesto ang mga brods sa may bandang Legarda.
Binigyan ang bawat isa ng mga numero ng telepono na tatawagan kapag nagkahulihan.
Pina-iral din ang buddy-system.
Habang may nagaganap na programa sa mismong tulay ng Mendiola, ang mga estudyante ay nagtipon-tipon upang magtalakayan tungkol sa isyu.
Makikita sa di kalayuan, patungong Malakanyang, ang barikada ng mga pulis, mga bumbero at mga barbed wire.
Matapos ang ilang saglit, nagkaroon ng kumosyon sa parteng Legarda patungong Sta. Mesa. Nagsitayuan
ang mga tao. May mga sumisigaw. Gumawa ang ilan ng mga barikada. Humanay din ang mga brods. Nabalot
ng tensyon ang buong paligid. Walang makapag-sabi kung ano ang nagaganap sa unahan. Ayon sa mga
naka-usap namin, may mga ibang grupong nais maki-halo sa nagaganap na kilos-protesta. Nangangamba ang
mga kasapi sa rally na baka ma-infiltrate ang hanay at magsimula sila ng kaguluhan. Napawi lang ang tensyon
ng hindi na rin nagpumilit ang grupong pumasok sa Mendiola.
Natapos ang rally bago mag-alas-sais. Natuloy din ang pag-tataas ng presyo ng langis.
|