Mga alaala ng panahong nakalipas. Mga pictures at sari-saring kwento sa lumipas na tatlumput-limang taon ng kapatiran.
Anong sinabi ng mga Viva Hot Men na yan, atbp. sa kisig ng mga brods? Panis! Ang picture sa itaas ay kuha mula sa tuktok ng bundok ng Sierra Madre, malapit sa bayan ng Pakil, Laguna magsasampung taon na ang naka-lipas.
Sem-ender ito cum "binyag" nina brod Richard David at Michael Alapan. Hindi pa nakakatulog ang mga brods dito. Pagputok palang ng araw, kaagad na umakyat na ang mga brods sa bundok.
Ang larawan sa kanan ay kuha nuong ika-25 taon ng kapatiran. Sila ang bumubuo ng exhibit team. Ang malaking seal ay dinisenyo ni brod Edwin Yabut.
Ginanap ang ika-25 taon ng kapatiran sa Nayong Pilipino. Maliban sa exhibit, nagkaroon din ng iba't-ibang activities ang frat tulad ng Pautakan para sa Kalikasan.
Mula sa kanan-itaas clock-wise: Fidel, Edwin, the late Brod Mon Honorio, Shane, Eric, Mike and Cris.
Isa sa mga okasyon kina brod Erwin Perez. Walang sawang kainan at inuman. Sino ba naman ang makakalimot sa super-sarap na kare-kare ng nanay niya?
Kahit na anong okasyon, kapag nag-imbita si brod Erwin ay tiyak na pupuntahan.
Cheers!
Ito ay isa sa mga kuha mula sa office ng Arts Builder sa may Mandaluyong. Dati-rati, kapag Friday, pagkatapos ng meeting ng mga residente, tumutuloy ang mga brods dito upang makipag-inuman at kwentuhan sa mga Alumni.
Sa mga brods na nais mag-submit ng pictures, ilakip sa email ang natatanging larawan ka-akibat ng kwento para dito.
